Shenzhou-16, ilulunsad sa buwang ito

2023-05-19 15:58:02  CMG
Share with:

Matatapos na ang 6 na buwang space mission ng Shenzhou-15 crew ng Tsina sa kalawakan.


Model ng space station ng Tsina


Ilulunsad din sa buwang ito ang Shenzhou-16 manned spaceship. Sa oras na iyon, magtatagpo ang 6 na taikonaut ng Shenzhou-15 at Shenzhou-16 sa space station. Ito rin ang ikalawang beses na in-orbit hand-over ng space station ng Tsina. 


Inilunsad naman noong Mayo 10, 2023 ang Tianzhou-6 cargo spacecraft, kung saan naghatid ito ng mga suplay para sa Shenzhou-16 crew. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil