Mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, pinasusulong ng CCAS – internasyonal na iskolar

2023-05-22 16:12:38  CMG
Share with:

Sa panayam sa China Media Group (CMG), inihayag kamakailan ni Gholamreza Rajaei, dalubhasa ng Iran sa mga isyung pandaigdig, na ang kauna-unahang China-Central Asia Summit (CCAS) ay isang mahalagang historikal na pulong, at nagsisilbing bagong modelo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga umuunlad na bansa.

 

Gholamreza Rajaei, dalubhasa ng Iran sa mga isyung pandaigdig


Aniya, ang mahigit 100 kasunduang pangkooperasyon sa iba’t-ibang larangang nilagdaan ng Tsina at limang bansang Gitnang Asyano ay may positibong papel sa paglago ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.

 

Muhammad Fiaz Kiani, komentador ng Pakistan


Ayon naman kay Muhammad Fiaz Kiani, komentador ng Pakistan, ang CCAS ay hudyat ng pagpasok ng relasyong Sino-Gitnang Asyano sa makabagong panahong may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Para kay Saionji Kazuteru, kilalang iskolar ng Hapon at visiting professor ng Higashi Nippon International University, naging abalang-abala ang mga bansang kanluranin na pinamumunuan ng Amerika sa paninira sa Tsina, sa katatapos na G7 Summit sa Hiroshima.

 

Taliwas sa nasabing summit, ang CCAS aniya ay isang maringal na pagtitipun-tipon para sa konektibidad ng iba’t-ibang bansa.

 

Saionji Kazuteru, kilalang iskolar ng Hapon at visiting professor ng Higashi Nippon International University


Saad ni Kazuteru, batay sa ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, nagpokus ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagtatatag ng estratehikong pagtitiwalaan, pagkakaisa, pagtutulungan, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon para sa dalawang panig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio