MOFA: umaasang mapapasulong ng Amerika ang pagpapanumbalik ng bilateral na relasyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon

2023-05-23 16:02:44  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na nagsasabing bubuti sa lalong madaling panahon ang relasyong Amerikano-Sino, hinimok Lunes, Mayo 22, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na iwasto ang kaalaman sa Tsina, ihinto ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, itigil ang pagpinsala sa seguridad ng soberanya at karapata’t kapakanang pangkaunlaran ng Tsina, at pasulungin ang muling pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Sa mula’t mula pa’y pinauunlad ng panig Tsino ang relasyong Sino-Amerikano, batay sa simulain ng paggagalangan, may-harmonyang pakikipamuhayan, kooperasyon at win-win na situwasyon na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil