Porum ng negosyo ng Tsina at Rusya, ginanap sa Shanghai

2023-05-24 15:41:23  CMG
Share with:

Ginanap Martes, Mayo 23, 2023 sa Shanghai, Tsina ang porum ng negosyo ng Tsina at Rusya.

 

Kaugnay nito, isang liham na pambati ang ipinadala ni Premyer Li Qiang ng Tsina.

 

Saad ni Li, kasama ng panig Ruso, nakahanda ang Tsina na pag-ibayuhin ang pagpapalitang pangkabuhaya’t pangkalakalan, at pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon.

 

Aniya, ipinagkakaloob ng naturang porum ang mainam na plataporma para sa pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga sirkulo ng negosyo ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang palalalimin ng mga mangangalakal na Tsino’t Ruso ang nakatagong lakas ng kooperasyon, at daragdagan ang bagong nilalaman, bagong tampok at bagong kasiglahan sa pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Sa kanya namang talumpati sa porum, inihayag ni He Lifeng, Pangalawang Premyer Tsino, ang kahandaan ng bansa na pasulungin ang paglago at pagtaas ng kalidad ng bilateral na kalakalan, palalimin ang kooperasyon sa pamumuhunan, pataasin ang lebel ng konektibidad, palakasin ang kooperasyong industriyal at agrikultural, at pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng kooperasyong Sino-Ruso.

 


Dagdag niya, buong tatag na pasusulungin ng Tsina ang modernisasyong Tsino, buong sikap na isasakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad, at palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel.

 

Ito aniya ay magkakaloob ng bagong pagkakataong pangkaunlaran para sa iba’t ibang bansang kinabibilangan ng Rusya.

 

Dumalo at nagtalumpati sa porum ni Punong Ministro Mikhail Mishustin ng Rusya

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil