Ministro ng Komersyo ng Tsina at Kalihim ng Komersyo ng Amerika, nagtagpo

2023-05-26 12:15:49  CMG
Share with:

Sa panahon ng kanyang pagdalo sa pulong ng mga ministrong namamahala sa kalakalan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), nakipagtagpo Huwebes, Mayo 25, 2023 sa Washington si Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, kay Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika.

 

Isinagawa ng kapuwa panig ang matapat, propesyonal at konstruktibong pagpapalitan hinggil sa relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika at mga isyung pangkabuhaya’t pangkalakalan na kapuwa nilang pinahahalagahan.

 

Inihayag ng panig Tsino ang masusing pagkabahala nito sa mga patakaran ng kabuhaya’t kalakalan ng Amerika sa Tsina, patakaran sa semiconductor, restriksyon sa pagluluwas, pagsusuri sa pamumuhunang panlabas at iba pa.

 

Sinang-ayunan ng magkabilang panig na buuin ang tsanel ng pag-uugnayan, upang panatilihin at palakasin ang pagpapalitan sa mga konkretong pagkabahala sa kabuhayan at kalakalan at mga suliranin ng kooperasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil