Umano’y nabigasyon ng bapor at eroplano na hinarang ng Tsina, tunay na probokasyon sa doorsteps ng Tsina

2023-06-07 13:15:13  CMG
Share with:

Sinabi Lunes, Hunyo 5, 2023 ni John Kirby, Tagapagsalita ng National Security Council ng Amerika na ikinababahala ng panig Amerikano ang di-ligtas at di-propesyonal na aksyon ng panig Tsino sa pagharang sa mga bapor at eroplano.

 

Kaugnay nito, tinukoy Martes ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang katotohanan ay ipinadala ng Amerika ang mga warship at eroplanong militar sa doorsteps ng Tsina, upang isagawa ang close-in reconnaissance at idispley ang sariling puwersang militar sa rehiyong malapit sa teritoryal na dagat at himpapawid ng Tsina.

 

Ang aksyong ito ay pagpapalaganap ng hegemonya ng nabigasyon at tunay na probokasyong militar, sa halip ng pangangalaga sa kalayaan sa nabigasyon, dagdag niya.

 


Diin ni Wang, palagiang iginagalang ng panig Tsino ang karapatan ng iba’t ibang bansa sa paglalayag at paglilipad alinsunod sa pandaigdigang batas, at buong tatag nitong tinututulan ang pagpinsala sa soberanya at seguridad ng Tsina, sa ngalan ng kalayaan ng paglalayag at paglilipad.

 

Propesyonal, lehitimo at makatuwiran ang pagtugon ng hukbong Tsino sa situwasyon ng pinangyarihan ng probakasyon, alinsunod sa mga batas at alituntunin, ani Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil