CMG Komentaryo: Mga bansang kanluranin, hindi tagahatol sa karapatang pantao

2023-06-16 16:14:51  CMG
Share with:


Sa kanyang liham na pambati sa katatapos na Porum sa Pandaigdigang Pangangasiwa sa Karapatang Pantao, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pangangalaga at pagpapasulong sa karapatang pantao, sa pamamagitan ng seguridad, kaunlaran at kooperasyon, at pagpapatupad ng Global Security Initiative, Global Development Initiative at Global Civilization Initiative.

 

Ito ang pinakahuling paninindigan ng panig Tsino hinggil sa pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao.

 

Ang seguridad ay paunang kondisyon ng paggarantiya sa karapatang pantao, at ang kaunlaran ay pundasyon nito.

 

Unibersal na sumang-ayon ang mga panauhin mula sa mga umuunlad na bansa na ang karapatan sa buhay at kaunlaran ay pinakamahalagang karapatang pantao.

 

Ang pangangalaga sa karapatang pantao ay komong mithiin ng mga mamamayan, at hindi dapat ito isapulitika at gawing sandata.

 

Pero selektibong nagbubulag-bulagan ang ilang bansang kanluranin sa masasamang kilos ng sariling bansa sa larangan ng karapatang pantao, samantalang nakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa at naninikil sa pag-unlad ng ibang bansa, sa katuwiran ng umano’y “karapatang pantao.”

 

Sa tingin ng panig Tsino, di-kuwalipikado ang anumang bansa na tasahin ang kalagayan ng karapatang pantao ng ibang bansa, at may karapatan ang iba’t ibang bansa na nagsasariling piliin ang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil