Porum sa Pandaigdigang Pangangasiwa sa Karapatang Pantao, gaganapin sa Beijing

2023-06-13 15:48:36  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pagkakapantay, Kooperasyon at Kaunlaran: Ika-30 Anibersaryo ng Deklarasyon at Programa ng Aksyon ng Vienna at Pandaigdigang Pangangasiwa sa Karapatang Pantao,” idaraos mula Hunyo 14 hanggang 15, 2023 sa Beijing, Tsina ang Porum sa Pandaigdigang Pangangasiwa sa Karapatang Pantao.

 

Sasali rito ang mahigit 300 panauhing Tsino’t dayuhan mula sa halos 100 bansa at mga organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng mga organo ng United Nations (UN).

 

Limang paksang kinabibilangan ng kooperasyong pandaigdig at pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao; Global Development Initiative at pagsasakatuparan ng karapatan sa kaunlaran; Global Security Initiative at proteksyon sa karapatang pantao; mekanismo ng karapatang pantao ng UN at pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao; at proteksyon sa karapatang pantao sa didyital na panahon ang tatalakayin.

 

Ang porum ay magkakasamang itataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado, Ministring Panlabas, at China International Development Cooperation Agency.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio