Premyer Tsino, dumalo sa diyalogo ng mga mangangalakal sa Summer Davos

2023-06-28 15:29:27  CMG
Share with:

Munisipalidad ng Tianjin, Tsina – Dumalo Martes, Hunyo 27, 2023 si Premyer Li Qiang ng Tsina sa diyalogo ng mga mangangalakal sa Ika-14 na Taunang Pulong ng New Champions, o kilala rin bilang Summer Davos, at nakipagpalitan sa mga kinatawan ng mga mangangalakal.

 

Kasali rito si Ngozi Okonjo-Iweala, Direktor-Heneral ng World Trade Organization (WTO), at ang halos 120 mangangalakal mula sa mahigit 20 bansa’t rehiyon.

 

Makaraang pakinggan ang mga talumpati ng mga mangangalakal, inihayag ni Premyer Li na pasusulungin ng bansa ang sinerhiya sa mga pandaigdigang alituntuning pangkabuhaya’t pangkalakalan sa mataas na antas, matatag na palalawakin ang sistematikong pagbubukas, at pabibilisin ang pagbuo ng marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo.

 


Sinagot din niya ang mga tanong ng mga mangangalakal kaugnay ng kooperasyon ng mga departamento ng superbisyon at pangangasiwa at mga bahay-kalakal, pangangasiwang digital, pagharap sa pagbabago ng klima at iba pa.

 

Ipinalalagay naman ng mga kalahok na mangangalakal na bilang merkadong may pinakamalaking kasiglahang pangkaunlaran, napakalaki pa rin ng potensyal ng paglago ng Tsina sa hinaharap.

 

Anila, sinusuportahan ng mga mangangalakal sa buong mundo ang pagpapalakas ng kooperasyon sa Tsina, at nakahandang aktibong sumali sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at buuin ang partnership na may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil