Solemnang paninindigan ng Tsina sa sapilitang pagpapasulong ng Hapon sa pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat, inilahad sa UNHRC

2023-07-05 15:47:04  CMG
Share with:

Sa Ika-53 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), tinukoy Martes, Hulyo 4, 2023 ng kintawang Tsino na ang sapilitang pagpapasulong ng Hapon ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, sa katwiran ng ekonomikong gastos ay nangangahulugan ng pagbintang ng panganib ng polusyong nuklear sa buong sangkatauhan.

 

Magbubunga ito ng malubhang problema sa kapaligirang pandagat ng buong mundo at kalusugan ng publiko, at magbubunsod ng mas malawakang isyu ng pagkawala ng tahanan, dagdag ng kinatawang Tsino.

 

Ipinagdiinan ng kinatawang Tsino na ang kilos ng panig Hapones ay lumalabag sa pandaigdigang katarungan at responsibilidad, at sumasalungat sa mga obligasyon ng mga pandaigdigang batas na gaya ng UN Convention on the Law of the Sea at London Dumping Convention.

 

Muling hinimok ng panig Tsino ang panig Hapones na itigil ang plano sa pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat, hawakan ang nuklear na kontaminadong tubig sa pamamagitan ng siyentipiko, ligtas at maliwanag na paraan, at makipagtulungan sa International Atomic Energy Agency (IAEA), para itayo sa lalong madaling panahon ang pandaigdigang mekanismo ng pangmalayuang pagsusuperbisa na nilalahukan ng mga may-kinalamang panig na kinabibilangan ng mga kapitbansa ng Hapon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil