Pag-aangkat ng pagkain mula sa 10 prepektura ng Hapon, ipinagbabawal ng Tsina

2023-07-07 16:12:33  CMG
Share with:

Inanunsyo Biyernes, Hulyo 7, 2023 ng Import and Export Food Safety Bureau ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina na alang-alang sa kaligtasan ng pagkain o food safety, ipinagbabawal ng bansa ang pag-aangkat ng pagkain mula sa 10 prepektura ng Hapon, at mahigpit na susuriin ang accompanying certification documents para sa mga pagkain mula sa ibang bahagi ng Hapon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil