Panig Ruso: aksidente ng Crimean Bridge, ikinamatay ng 2 katao at ikinasugat ng 1 pa

2023-07-17 16:39:17  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong inilabas Lunes, Hulyo 17, 2023 sa social media ng operational headquarter para sa aksidente ng Crimean Bridge, 2 katao ang namatay sa nasabing aksidente, at isang menor de edad pa ang nasugatan.

 

Sinipi ng Information Telegraphic Agency of Russia (ITAR-TASS) ang impormasyon ng Ministri ng Transportasyon ng Rusya na nagsasabing nasira ang ibabaw ng kalsada ng Crimean Bridge na malapit sa Crimea, at sumusulong pa ang imbestigasyon sa kalagayan ng pagkasira ng tulay.

 

Ayon naman sa ulat ng RBC-Ukraine, narinig ang pagsabog sa Crimean Bridge nang araw ring iyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil