Bersyon ng traditional Chinese na mga aklat hinggil sa kaisipan at karanasan ng gawaing lokal ni Xi Jinping, inilunsad sa Hong Kong

2023-07-20 16:33:10  CMG
Share with:

Inilunsad Miyerkules, Hulyo 19, 2023 sa Hong Kong Book Fair ang limang aklat sa traditional Chinese characters na kinabibilangan ng isang outline para sa pag-aaral ng kaisipan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon, at apat na aklat hinggil sa karanasan ni Xi sa mga gawaing lokal.

 

Ang nasabing limang aklat ay nagsisilbing mahalagang patnubay para sa pagpapaunlad ng magkakaibang sektor ng lipunan ng Hong Kong at Macao ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapalakas ng patriotismo at ideya ng national identity, at pagpapasulong sa matagumpay na praktika ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.


Salin: Vera

 

Pulido: Ramil