Pasuguan ng Tsina sa Hapon, tutol sa ekspansyon ng NATO sa Asya-Pasipiko

2023-07-24 16:28:59  CMG
Share with:

Binatikos Lunes, Hulyo 24, 2023 ng Pasuguan ng Tsina sa Hapon ang madalas na pakikialam ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa mga suliranin ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Umaasa anitong maiiwasan ng pakikipagpalitan ng Hapon sa NATO ang mga aksyong makakasira sa pagtitiwalaan ng mga bansa sa rehiyon.

 

Ayon sa pahayag sa website ng pasuguang Tsino, tuluy-tuloy na nakialam kamakailan ang NATO sa mga suliranin ng Asya-Pasipiko, pumukaw ng konprontasyon sa pagitan ng mga kampo, at nakatawag ng pagmamatyag ng mga bansa sa rehiyon.

 

Inihayag din ng pasuguang Tsino ang mariing pagtutol sa probokatibong pananalita laban sa Tsina sa katatapos na Vilnius Summit, at tangka nitong pasidhiin ang tensyon at stoke confrontation.

 

Diin nito, ang ekpansyon ng NATO sa Asya-Pasipiko ay lumalayo sa collective self-defense na pinahihintulutan ng Karta ng United Nations (UN), lumalabag sa tadhana ng Karta ng UN hinggil sa regional arrangement at simulain nito sa pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyon ng mga bansa, at nagbubunsod ng elementong makakasira sa seguridad ng rehiyon, maging ng buong mundo.

 

Hindi winewelkam ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ang “Asia-Pacificization” ng NATO, ang hindi kinakailangan ng rehiyon ang bersyon ng Asya-Pasipiko na NATO, dagdag nito.

 

Umaasa rin ang panig Tsino na pupulutin ng Hapon ang aral ng kasaysayan, igigiit ang landas ng mapayapang pag-unlad, at huwag gawin ang bagay-bagay na makakasira sa pagtitiwalaan ng mga bansa sa rehiyon at kapayapaa’t katatagan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil