CMG Komentaryo: Ano ang pagkabahalang panseguridad ng Amerika sa ilalim ng tuluy-tuloy na cyber attack sa Tsina?

2023-07-27 16:05:44  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag at sirkular na magkahiwalay na inilabas Miyerkules, Hulyo 26, 2023 ng Wuhan Municipal Emergency Management Bureau at Wuhan Municipal Public Security Bureau, nasalanta ng cyber-attack ang Wuhan Earthquake Monitoring Center.

 

Ang nasabing cyber-attack ay natuklasan sa pagmomonitor ng China Computer Virus Emergency Response Center (CVERC) at internet security company 360, at ayon sa inisyal na ebidensya, Amerika ang pinagmulan ng cyber-attack.

 

Matatandaang noong 2022, inulat ng CVERC at 360 ang isa pang cyber attack mula sa ibayong dagat na nakatuon sa Northwestern Polytechnical University (NPU) ng Tsina.

 

Isiniwalat ng ulat ng imbestigasyon na gamit ang 41 uri ng espesyal na sandata sa cyber attack, inilunsad ng Office of Tailored Access Operation (TAO) ng National Security Agency (NSA) ng Amerika ang lampas sa 1,000 beses ng cyber attack sa NPC, at nagnakaw ng isang pangkat ng nukleong datos na teknikal.

 

Ang halatang-halatang katotohanan dito ay kapuwa pasilidad na pansibilyan ang NPU at Wuhan Earthquake Monitoring Center, pero walang eksepsyon, sila ang naging target ng cyber monitoring ng Amerika.

 


Ang Tsina ay nananatiling pangunahing target at biktima ng network ng pandaigdigang pagmomonitor ng Amerika, at sa tingin ng Amerika, ang pagpapalakas ng pagmamanman sa Tsina ay kinakailangang pamamaraan ng estratehikong kompetisyon.

 

Sa pamamagitan ng pagmamanman, umaasa ang Amerika na malalaman at titiyakin ang “lihim na sandata” ng Tsina sa pagdaig ng Amerika, at maiiwasan ang “banta” na dulot ng pag-ahon ng Tsina.

 

Kumakalat sa internet ang pananalita na ang aksyong batikusin ng Amerika sa ibang bansa ay aksyong na isinagawa minsan o kasalukuyang isinasagawa ng Amerika.

 

Ang cyber attack sa Wuhan Earthquake Monitoring Center ay muling nagpapatunay na sa ilalim ng palaki nang palaking “pagkabahalang panseguridad,” tuluy-tuloy na isinasagawa ng Amerika ang masyado, walang hanggan at walang baseline na cyber attack sa Tsina, at siya mismo ang tunay na hacker empire.

 

Ang cyber space ay komong tahanan ng sangkatauhan, sa halip ng hardin ng hegemonismo.

 

Dapat magkakapit-bisig ang lahat ng mga nagnanais ng kapayapaan sa buong mundo, upang tutulan ang cyber hegemony, at magkasamang harapin ang cyber attack.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil