Pagbisita sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding

2023-07-28 16:18:15  CMG
Share with:


Si “芝麻zhima” na nangangahulugang linga osesame” sa wikang Ingles, isang anim na taong gulang na lalaking giant panda, ay naging isa sa mga top influencer sa Tsina kamakailan na may milyun-milyong mga fans sa social media.

 

Pinili siya bilang prototype, pagkatapos ng global vote, ng mascot na “Rongbao” ng Chengdu FISU World University Games, dahil siya ay mapaglaro, masigla at siyempre, napakakyut.

 

Namumuhay si Sesame sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding, isang pinakamalaki at pinakakompletong habitat ng giant panda sa buong mundo.

 

Inihahanda rito ang angkop na kapaligiran para sa mga giant panda. Sa loob ng mga malalaking tirahan, masaya silang kumakain, namamasyal, natutulog at nag-e-enjoy sa kanilang maginhawang pang-araw-araw na buhay.

 

Katulad natin, mayroon silang kani-kaniyang personalidad. Sa harap ng kanilang mga bahay, makikita ang short introduction, para mas makilala sila ng mga turista.

 

Inihahanda rin ang mga pagkain para sa mga giant panda. Pangunahin dito ay kanilang paboritong kawayan. Tuwing sasapit ang mga pestibal at kanilang kaarawan, mayroon ding mga espesyal na ulam.

 

Nitong nakaraang mahigit 30 taon, mula nang itayo ang Chengdu Research Base noong 1987, palaging pinagsisikapan ng Tsina ang pagprotekta sa mga giant panda, sa pamamagitian ng pagpapatupad ng mga polisiya at pagpapalalim sa pananaliksik ng pagpaparami ng mga giant panda.

 

Bunga nito, hanggang ngayon, mahigit 230 na ang bilang ng mga giant panda sa Chengdu Research Base, at ang giant panda ay ibinaba na bilang “vulnerable” species mula sa “endangered.”

 

Dito sa Chengdu, na kilala rin sa buong daigdig bilang “Panda Capital of the World, kahit saan kayo pumunta, makikita ninyo ang mga elemento ng giant panda at pinapakita nito ang pagmamahal ng mga mamamayan.

 

Bukod pa riyan, isinasagawa rin ng Tsina ang kooperatibong pananaliksik at naipahiram na ang mahigit animnapung giant panda sa 19 bansa, para magkakasamang isulong ang proteksyon sa mga giant panda at ibang mga vulnerable at endangered species sa pandaigdigang saklaw.

Ngayon, ang giant panda ay naging hindi lamang embahador ng pagkakaibigan ng Tsina sa iba’t-ibang bansa, kundi rin isang symbolic species na malawak na minamahal ng mga tao sa buong mundo.

 

Video/Script: Kulas

Pulido: Ramil/Jade