Inilaan Miyerkules, Agosto 9, 2023 ng Ministri ng Pananalapi at Ministri ng Yamang Tubig ng Tsina ang isang bilyong yuan RMB (mga 138.8 milyong US Dollar) na pangkagipitang laang-gugulin, para tulungan ang mga mamamayan sa 8 flood detention basin sa hilagang bansa na panumbalikin ang kani-kanilang normal na pamumuhay.
Noong isang linggo, sa epekto ng bagyong Doksuri, nasalanta ng malubhang baha ang hilagang Tsina, bagay na malubhang nakasira sa pananim, produksyon at mga pasilidad na agrikultural.
Naisaoperasyon ang 8 flood detention basin sa munisipalidad ng Tianjin, lalawigang Hebei at lalawigang Henan, para mapahupa ang presyur ng pagkontrol sa baha sa downstream areas.
Ang naturang laang-gugulin ay gagamitin bilang kompensasyon sa kapinsalaang dulot ng baha, dagdag ng mga ministri.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Tsina, inilaan muli ang 350 milyong yuan para sa gawaing panaklolo
Tsina, pinalakas ang mga gawain ng pagliligtas at panaklolo sa mga apektadong lugar ng baha
Karagdagang 100 milyong yuan, inilaan sa apektadong lugar ng baha
Buong sikap na pagkontrol at pagliligtas sa baha, iniutos ng mga lider na Tsino