CMG Komentaryo: Restriksyon ng Amerika sa pamumuhunan sa Tsina, isang boomerang

2023-08-11 15:36:50  CMG
Share with:

Nilagdaan Huwebes, Agosto 10, 2023 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang executive order kung saan lilimitahan ang pamumuhunang Amerikano sa Tsina sa tatlong kategoryang kinabibilangan ng semiconductors at microelectronics, quantum information technologies, at artificial intelligence.

 

Ayon sa American media, sa loob ng halos isang taon bago magkabisa ang nasabing executive order, tatanggapin ng pamahalaan ni Biden ang feedback ng mga mamamayan at gagawin ang pagsasaayos.

 

Sa totoo lang, ang paglabas ng naturang executive order ay isang uri ng negatibong senyal ng pagsasagawa ng “decoupling” sa katuwiran ng “de-risking,” at nagdudulot ito ng pag-aalala sa daigdig.

 

Nauna rito, pinababa ng Fitch Ratings ang Long-Term Foreign-Currency Issuer Default Rating ng Amerika sa AA+ mula AAA, bagay na nagpahayag ng pagkabalisa sa kabuhayang Amerikano.

 

Kung isasagawa ng Amerika ang restriksyon sa pamumuhunan sa Tsina, may potensyal itong makakaapekto sa kabuhayang Amerikano, at magsisilbing boomerang na makakapinsala sa kapakanan nito mismo.

 

Sapul nang umakyat sa poder si Biden, ginawa niya ang mga pangako sa panig Tsino, at kabilang dito ay hindi gawin ang pagkalas sa Tsina at hindi hadlangan ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.

 

Sa pagpasok ng kasalukuyang taon, sunud-sunod na dumalaw sa Tsina ang maraming mataas na opisyal ng Amerika, at pawang inihayag nilang ipapatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa pagtatagpo sa Bali Island, at isasagawa ang diyalogo’t kooperasyon sa Tsina.

 

Pero ang tangka ngayon ng Amerika na sikilin ang pag-unlad ng hi-tech ng Tsina sa pamamagitan ng restriksyon sa pamumuhunan sa Tsina ay salungat sa sarili nitong pananalita.

 

Tinukoy ng opinyong publiko na ang kilos ng Amerika ay posibleng magpasidhi ng tension sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at ang Amerika ay siyang tanging may pananagutan sa pagsira sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Hinding hindi hahadlang sa pag-unlad ng Tsina ang sapilitang pagpapasulong ng Amerika sa “decoupling o disruption ng industrial at supply chains,” at ang boomerang na ihinagis ay makakapinsala sa sarili nito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil