CMG Komentaryo: Ano ang pakikinabang ng mga transnasyonal na kompanya sa merkado ng konsumo ng Tsina?

2023-08-16 15:40:58  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas, Agosto 15, 2023 ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, tuluy-tuloy na bumabangon ang pambansang kabuhayan, at kapansin-pansin ang natamong bunga sa konsumo ng serbisyo ng bansa.

 

Noong unang 7 buwan ng 2023, lumago ng 20.3% ang kabuuang halaga ng tingian ng serbisyo kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, at lumaki naman ng 7.3% ang kabuuang halaga ng retail ng consumer goods.

 

Ang konsumo ay masusing makina ng paglago ng kabuhayan, at sa kasalukuyang matumal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, anong pagkakataon ang lilikhain ng tuluy-tuloy na pagpapanumbalik ng merkado ng konsumo ng Tsina para sa buong daigdig?

 

Noong nakaraan, ang konsumo ng mga paninda ang pangunahing porma ng konsumo sa Tsina, pero ngayon, unti-unting nagiging kasinhalaga ng mga paninda ang konsumo ng serbisyo.

 

Kaugnay nito, lampas sa 40% ang proporsyon ng konsumo ng serbisyo ng mga Tsino.

 

Ang ganitong transpormasyon sa estruktura ng konsumo ay nakalikha ng bagong espasyo sa pag-unlad ng mga transnasyonal na kompanya.

 


Inilabas kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang 24 na patakaran sa ibayo pang pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhunan ng mga banyagang mangangalakal, at bahagi sa mga ito ang may kinalaman sa pagpapalawak at pagbubukas ng industriya ng serbisyo.

 

Ayon sa mga dalubhasa, ang mga patakaran sa ibayong pang pagbubukas sa larangan ng telekomunikasyon, pinansya, bio-medisina at iba pa ay magbibigay ng mas malaki ang espasyo upang makalahok ang mga puhunang dayuhan sa industriya ng serbisyo ng Tsina.

 

Bukod pa riyan, ang pagpapanatili sa matatag at tuluy-tuloy na mga polisya ng Tsina ay nagkakaloob ng garantiya sa pag-unlad ng puhunang dayuhan sa bansa.

 

Sa kasalukuyan, nananatiling masalimuot at matindi pa rin ang kapaligirang pandaigdig, pero hindi nagbabago ang tunguhin ng pagbuti ng kabuhayang Tsino.

 

Base sa katotohanan, sa kabila ng iba’t-ibang kahirapan, ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay isang di-mahahadlangang tunguhin ng panahon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio