Tsina sa Amerika: Kooperasyon sa pagbabago ng klima, isulong

2023-09-07 16:04:04  CMG
Share with:

Inihayag Miyerkules, Setyembre 6, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang hahakbang ang Amerika tungo sa paglikha ng paborableng kondisyon tungo sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagbabago ng klima.

 

Tinukoy niyang ang pagbabago ng klima ay isang hamong pandaigdig, na kailangang magkasamang harapin ng iba’t-ibang bansa.

 

Kaugnay nito, palagi at malinaw ang paninindigan ng Tsina sa pagharap sa isyung ito, aniya.

 


Saad ni Mao, nagpupunyagi ang kanyang bansa upang buuin ang patas at makatarungang sistema ng global climate governance na may win-win na kooperasyon.

 

Isinasabalikat ng panig Tsino ang responsibilidad at obligasyong nakatugma sa sariling kalagayan, at ginagawa ang positibong ambag sa pandaigdigang kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, diin ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio