CMG Komentaryo: Paanong ipapatupad ng Amerika ang “di-pagkalas sa Tsina,” pinag-uukulan ng pansin ng daigdig

2023-09-01 15:59:21  CMG
Share with:

Natapos Miyerkules, Agosto 30, 2023 ni Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika ang 4-araw na biyahe sa Tsina.

 

Napansin ng opinyong publiko ang pagtatalastas ng Tsina at Amerika ng pagtatatag ng bagong tsanel ng pag-uugnayan, at makakatulong ito sa pagbabawas ng maling pagkaunawa.

 

Malinaw na inihayag ni Raimondo na hindi hinahangad ng Amerika ang pagkalas sa Tsina at umaasang mamumuhunan sa Tsina ang mga kompanyang Amerikano.

 

Tinukoy ng kaukulang dalubhasa na ang bagong tsanel ay makakatulong sa ibayo pang pag-uugnayan at pagpapalitan ng Tsina at Amerika, pero kung tunay na gagampanan o hindi nito ang papel ay depende sa aktuwal na aksyon ng panig Amerikano.

 

Sa panahon ng pagdalaw ni Raimondo sa Tsina, inihayag ng panig Tsino ang solemnang pagkabahala sa mga isyung gaya ng pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa Tsina sa ilalim ng Section 301, patakaran sa semiconductor, limitasyon sa bi-directional investment, may pagtatanging subsidy, pagpapataw ng sangsyon sa mga kompanyang Tsino at iba pa.

 

Ang dapat gawin ngayon ng Amerika ay alisin sa lalong madaling panahon ang karagdagang taripa sa Tsina, paluwagin ang limitasyon sa pagluluwas sa Tsina, pag-urong ng sangsyon laban sa mga kompanyang Tsino, at likhain ang kondisyon para sa pagpapalawak ng mga kompanya ng dalawang bansa ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan.

 

Ang relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ay “ballast” ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Umaasang gagawing bagong simula ng Tsina at Amerika ang pagtatatag ng bagong tsanel ng pag-uugnayan, hahakbang tungo sa gitna ang magkabilang panig, patatatagin at pabubutihin ang bilateral na relasyon, at pasusulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil