Jakarta, Indonesya – Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Setyembre 7, 2023 kay Punong Ministro Anthony Albanese ng Australya sa sidelines ng Summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Silangang Asya, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang kahandaan ng panig Tsino na pabilisin ang pagpapanumbalik ng pakikipagpalitan sa panig Australyano sa iba’t-ibang larangan, para ipagkaloob ang matibay na suporta sa pagbuti at pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Aniya, ang malusog at matatag na relasyong Sino-Australyano ay angkop sa pundamental na kapakanan at komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Dapat maayos na hawakan ng magkabilang panig ang mga alitan batay sa paggagalangan, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, pasulungin ang ibayo pang pagbuti at pag-unlad ng bilateral na relasyon, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Asya-Pasipiko.
Salin: Vera
Pulido: Rhio