Pangulo ng Indonesya, sumakay ng tren sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway

2023-09-14 16:22:00  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway, proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Indonesya, Miyerkules, Setyembre 13, 2023, sumakay ng tren si Pangulong Joko Widodo ng Indonesya mula Halim Station sa Jakarta patungong Padalarang Station sa lalawigang West Java.

 


Hinangaan niya ang sigasig ng mga konstruktor ng daambakal ng dalawang bansa.

 

Sa ilalim ng komong pagsisikap ng iba’t-ibang kasaling panig, opisyal na sisimulan ang operasyong komersyal ng nasabing daambakal sa unang dako ng Oktubre, aniya.

 

Ani Widodo, sa bilis na 350 kilometro bawat oras, maalwan at komportable ang kanyang kauna-unahang pagsakay ng tren sa linyang ito.

 


Umaasa aniya siyang mas madalas na gagamitin ng mga mamamayang Indonesyan ang transportasyong pampubliko, at sasakay sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway, upang mapahupa ang presyur ng transportasyon sa pagitan ng Jakarta at Bandung.

 

Ito ang ika-4 na beses nang paglalakbay-suri ni Widodo sa nasabing proyekto sa loob ng kanyang ika-2 termino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio