Liham na pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa 2023 Beijing Culture Forum

2023-09-14 14:57:19  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala Huwebes, Setyembre 14, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 2023 Beijing Culture Forum.

 

Tinukoy niyang may mahabang kasaysayan ang namumukod na tradisyonal na kultura ng nasyong Tsino, at sa mula’t mula pa’y pinahahalagahan ng sibilisasyong Tsino ang pag-uunawaan at paggagalangan sa pagitan ng magkakaibang sibilisasyon.

 

Aniya, ang Beijing na may mahabang kasaysayan at napakaraming pamanang kultural ay saksi sa tuluy-tuloy, inobatibo, unipikado, pagbibigayan at pagiging mapayapa ng sibilisasyong Tsino.

 

Mas mainam na patitingkarin ng Tsina ang bentahe ng Beijing bilang isang sinaunang kabisera at pambansang sentrong kultural, upang palakasin ang pakikipagpalitang kultural sa iba’t-ibang lugar ng daigdig, magkasamang pasusulungin ang masaganang pag-unlad ng kultura, pangangalagaan ang mga pamanang kultural, isusulong ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto sa pagitan ng mga sibilisasyon, at ipapatupad ang Global Civilization Initiative, dagdag ni Xi.

 

Sa ilalim ng temang “Pagmamana ng Namumukod na Kultura, Pagpapasulong sa Pagpapalitan at Pagtutulungan,” binuksan sa Beijing ang 2023 Beijing Culture Forum.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio