“Estante ng Librong Tsino,” itinayo sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas

2023-09-15 15:38:48  CMG
Share with:


Manila – Upang padaliin ang mas direkta’t komprehensibong pag-unawa ng mga mambabasang Pilipino tungkol sa Tsina, pinasinayaan, Huwebes, Setyembre 14, 2023 ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang pagtatayo ng Estante ng Librong Tsino o Chinese Bookshelf.

 

Ididispley rito ang mga pinakabagong aklat sa mga kategoryang gaya ng pulitikang Tsino, literatura, teksbuk sa wikang Tsino at iba pa.

 

Ayon kay Cesar Gilbert Adriano, Direktor ng Pambansang Aklatan, mahalaga ang kahulugan ng nasabing proyekto sa pagpapalitang kultural ng Pilipinas at Tsina.

 

Ito aniya ay mabuting paraan sa pagpapasulong ng kultural na pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Umaasa si Adriano, na magkakaroon pa ng mas maraming katulad na kooperasyon sa hinaharap.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio