Pangkalahatang debatehan ng Ika-78 Sesyon ng UNGA, ipininid

2023-09-27 16:45:34  CMG
Share with:

Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York – Ipininid, Setyembre 26, 2023 ang Pangkalahatang Debatehan ng Ika-78 Sesyon ng Pangkalahatang Asambleya ng UN (UNGA).

 

Ayon kay Dennis Francis, Presidente ng Ika-78 Sesyon ng UNGA, nagtalumpati sa kasalukuyang debatehan ang mga lider at mataas na opisyal ng 136 bansa.

 

Hinimok din niya ang mga kasaping bansa na isagawa ang aktuwal na aksyon sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad, pagbibigay-wakas sa armadong sagupaan, pagharap sa pagbabago ng klima at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio