Sa kanyang pangungulo Miyerkules, Setyembre 27, 2023 sa isang group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na kailangang magkaroon ng sigasig para sa aktibong pagsali sa reporma ng World Trade Organization (WTO), at pagpapalakas ng kakayahan ng Tsina sa pagbubukas sa labas sa mataas na lebel.
Aniya, ang WTO ay mahalagang gulugod ng multilateralismo at isang importanteng arena para sa pandaigdigang pangangasiwang ekonomiko, kaya naman komong palagay at pangkalahatang tunguhin ang pagsasagawa ng kinakailangang reporma sa naturang organisasyon.
Kasabay ng pagsusulong ng malalim na pagpapanibago at de-kalidad na pag-unlad, sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas, dapat aniyang magpunyagi ang lahat upang lubos na makasali sa reporma ng WTO at maisa-ayos ang mga pandaigdigang alituntuning pangkabuhaya’t pangkalakalan.
Ipinanawagan din ni Xi ang matatag na pagtatanggol sa awtoridad at bisa ng multilateral na sistemang pangkalakalan, kung saan ang nukleo ay WTO, at pagpapanumbalik ng normal na mekanismo ng pagresolba ng mga alitan sa nasabing organisasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio