Ika-3 China-Germany High Level Financial Dialogue, gaganapin: bise premyer Tsino, pangunguluhan ang diyalogo

2023-09-28 17:09:19  CMG
Share with:

Inanunsyo ngayong araw, Setyembre 28, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na makaraan ang magkasamang talakayan, napagkasunduang gaganapin sa Alemanya sa Oktubre 1, 2023 ang Ika-3 China-Germany High Level Financial Dialogue.

 

Ito aniya ay pangunguluhan nina He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Christian Lindner, Ministro ng Pinansya ng Alemanya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio