Pangulo ng Tsina at Rusya, nag-usap

2023-10-18 16:31:40  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing – Nag-usap Miyerkules, Oktubre 18, 2023 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 

Winelkam ni Xi ang pagdalo ni Putin sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

 

Tinukoy niyang ang pagdalo ni Putin sa tatlong BRF ay nagpapakita ng suporta ng panig Ruso sa kooperasyon ng Belt and Road.

 

Aniya, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mahigpit at mabisa ang kanilang estratehikong koordinasyon, lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan ang halaga ng bilateral na kalakalan, at walang tigil na sumusulong ito tungo sa target ng 200 bilyong dolyares na magkasamang tiniyak ng magkabilang panig.

 

Ang susunod na taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Rusya. Kasama ng panig Ruso, nakahanda ang panig Tsino na walang patid na pasaganain ang nilalaman ng kooperasyon ng kapuwa panig, ipakita ang pananagutan ng malaking bansa, at gawin ang ambag para sa pag-unlad at pag-ahon ng dalawang nasyon, pagtanggol sa pandaigdigang pagkakapantay at katarungan, at pagpapasulong sa komong kaunlaran ng daigdig, dagdag ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil