Great Hall of the People, Beijing – Binuksan Lunes, Oktubre 23, 2023 ang Ika-13 National Women’s Congress.
Dumalo rito ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaan, na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi at Li Xi, mga 1,800 delegado, at 90 delegadong espesyal na inanyayahan mula sa mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao.
Sa kanyang talumpati sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, ipinaabot ni Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, ang pagbati at pangungumusta sa mga kababaihan at mga taong nagtatrabaho para sa pag-unlad ng kababaihan sa buong bansa, at mga babaeng kababayan sa Hong Kong, Macao, Taiwan at ibayong dagat.
Ipinagdiinan din niya ang tiyaga at sigasig ng kababaihan sa pagpawi sa karalitaan, paghangad nila ng kagalingan ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, lakas-loob nila sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kani-kanilang proaktibong papel sa mga pamilya at komunidad, kani-kanilang sigasig sa paggarantiya sa batas at kaayusan, at namumukod-tanging pagganap nila sa arenang palakasan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Peng Liyuan, dumalo sa UNESCO award ceremony para sa edukasyon ng batang babae at kababaihan
Mas malaking pagsisikap, ipinanawagan ng Pangulong Tsino sa usapin ng kababaihan at kabataan
Inklusibong lipunan para sa may-kapansanang kababaihan, ipinanawagan ng Tsina at 80 iba pang bansa
Aklat ng mga diskurso ni Xi Jinping hinggil sa usapin ng kababaihan at kabataan, inilathala