Durian ng Pilipinas na iniluluwas sa Tsina, dumaraan sa mahigpit na proseso ng kalidad – direktor ng DA Region 11

2023-10-30 15:38:17  CMG
Share with:


Upang maigarantiyang sariwa, may mataas na kalidad, at ligtas ang mga durian ng Pilipinas na iniluluwas sa Tsina, dumaraan ang prutas na ito sa mahigpit na proseso ng kalidad, alinsunod sa regulasyon at istandard na pambansa at pandaigdig.

 

Ito ang sinabi kamakailan ni Abel James Monteagudo, Direktor ng Rehiyonal na Tanggapan 11 ng Kagawaran ng Agrikultura (DA Region 11) sa eksklusibong panayam sa China Media Group – Filipino Service (CMG-FS).

 

Dahil dito, napakapositibo aniya ang mga komentong tinatanggap niya mula sa merkadong Tsino.

 

Inihayag ni Monteagudo ang kasiyahan at pasasalamat dahil tanggap at gusto ng mga Tsino ang mga durian ng rehiyon ng Davao.

 

Nais ng Davao, na magluwas pa ng mas maraming durian sa Tsina para mas matugunan ang pangangailangan ng mga mamimiling Tsino, dagdag pa niya.

 

Video: Kulas

Pulido: Rhio/ Jade