Kaunlarang pinansyal ng Tsina, binigyang-direksyon ng masusing pulong

2023-11-01 16:03:48  CMG
Share with:

Ginanap dito sa Beijing mula Oktubre 30 hanggang 31, 2023 ang isang komperensya ng central financial work.

 


Sa kanyang mahalagang talumpati sa komperensya, inanalisa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang situwasyong kinakaharap ng de-kalidad na pag-unlad ng sektor na pinansyal, at ginawa ang plano sa kaukulang gawain sa kasalukuyan at hinaharap.

 

Ayon sa nasabing pulong, igigiit ng Tsina ang landas ng pinansyal na pag-unlad na may katangiang Tsino, at pasusulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng sektor na pinansyal, upang ipagkaloob ang malakas na suporta sa pagtatatag ng malakas na bansa at pag-ahon ng nasyon, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Ipinagdiinan sa pulong ang kahalagahan ng pagpapalalim ng financial supply-side structural reforms, pagkokoordina sa pagbubukas at seguridad ng sektor na pinansyal, at paggigiit sa pangkalahatang prinsipyo ng pagtamo ng progreso habang pinapanatili ang matatag na pagganap.

 


Anang pulong, kailangang gamitin ang mas maraming yamang pinansyal upang suportahan ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, sulong na pagmamanupaktura, berdeng pag-unlad, mga mikro, maliliit at katamtamang laking bahay-kalakal, mga innovation-driven development strategy at mga coordinated regional development strategy.

 

Diin sa pulong, dapat bigyang ginhawa ang cross-border investment at financing, para maakit ang mas maraming institutsyong pinatatakbo ng puhunang dayuhan at long-term capital sa Tsina.

 

Hiniling din ng pulong na palakasin ang kakayahang kompetetibo at impluwensiya ng Shanghai bilang pandaigdigang sentrong pinansyal, habang patibayin at pataasin ang katayuan ng Hong Kong bilang pandaigdigang sentrong pinansyal.

 

Hinimok ng pulong ang lahat ng mga rehiyon at departamento na i-optimisa ang serbisyong pinansyal, palawakin ang pagbubukas ng pinansya sa mataas na antas, at matibay na pasulungin ang proseso ng internasyonalisasyon ng renminbi ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil