Priyoridad ng de-kalidad na pag-unlad ng sektor-pinansyal ng Tsina, tiniyak sa masusing komperensya

2023-11-02 16:42:37  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa central financial work conference, Oktubre 30 hanggang 31, 2023 sa Beijing, inanalisa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang situwasyong kinakaharap ng de-kalidad na pag-unlad ng sektor-pinansyal ng Tsina, at ginawa ang plano sa kaukulang gawain para sa kasalukuyan at hinaharap.

 


Ang pinansya ay nagsisilbing ugat ng pambansang kabuhayan, at ito rin ay mahalagang bahagi ng nukleong kakayahang kompetetibo ng isang bansa.

 

Upang mapalakas ang sentralisado’t unipikadong pamumuno ng Komite Sentral ng CPC sa gawaing pinansyal, itinayo noong nagdaang Marso ang central financial commission at central financial work commission.

 


Ang mga ito ang namamahala sa pagpaplano at pagkokoordina tungo sa katatagan at kaunlarang pinansyal ng Tsina.

 

Ipinagdiinan sa pulong ang kahalagahan ng pagpapalalim ng financial supply-side structural reforms, pagkokoordina sa pagbubukas at seguridad ng sector-pinansyal, at paggigiit sa pangkalahatang prinsipyo ng pagtatamo ng progreso habang pinapanatili ang matatag na hakbangin.

 


Anang pulong, kailangang gamitin ang mas maraming yamang pinansyal upang suportahan ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, modernong pagmamanupaktura, berdeng pag-unlad; isulong ang mga mikro, maliliit at katamtamang laking bahay-kalakal; at palakasin ang mga innovation-driven development strategy at mga coordinated regional development strategy.

 


Dapat din bigyang ginhawa ang cross-border investment at financing, para maakit ang mas maraming institutsyong pinatatakbo ng puhunang dayuhan at long-term capital sa Tsina, diin sa pulong.

 


Hiniling din ng pulong ang pagpapalakas ng kakayahang kompetetibo at impluwensiya ng Shanghai bilang pandaigdigang sentrong pinansyal, kasabay ng pagpapatibay at pagpapataas sa katayuan ng Hong Kong bilang pandaigdigang sentrong pinansyal.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio