Ministro ng Komersyo ng Tsina: lebel ng paggamit ng puhunang dayuhan, walang humpay na patataasin

2023-11-06 16:01:31  CMG
Share with:

Bilang isa sa mga mahalagang aktibidad sa panahon ng Ika-6 na China International Import Expo (CIIE), ginanap Linggo, Nobyembre 5, 2023 sa Shanghai ang "Invest in China Year" Summit at Shanghai City Promotion.

 

Sinabi ni Wang Wentao, Ministro ng Komeryo ng Tsina, na komprehensibong pinapasulong ng bansa ang modernisasyong Tsino, sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad, bagay na tiyak na magkakaloob ng mas malawak na merkado at mas maraming pagkakataong pangkooperasyon para sa mga banyagang kompanya at mangangalakal.

 

Dagdag niya, patuloy na bubuuin ng kanyang ministri ang tatak ng “pamumuhunan sa Tsina;” ibayo pang babawasan ang negatibong listahan para sa banyagang pamumuhunan; ganap na aalisin ang mga restriksyon sa foreign investment access sa sektor ng pagmamanupaktura; lilikhain ang magandang kapaligiran para sa pamumuhunan; at walang humpay na patataasin ang lebel ng paggamit ng puhunang dayuhan, upang itatag ang Tsina bilang mainit na destinasyon para sa pamumuhunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil