CMG Komentaryo: Mga kompanyang pandaigdig, makikinabang sa plataporma ng CIIE

2023-11-08 15:58:25  CMG
Share with:


Sa Ika-6 na China International Import Expo (CIIE) na kasalukuyang ginaganap sa Shanghai, Tsina, nasilayan ng publiko ang maraming inobatibong produkto na nagdidispley ng pinakasulong na siyensiya’t teknolohiya sa mga larangang gaya ng digital intelligence, berdeng pag-unlad at iba pa.

 

Ayon sa datos, sa kasalukuyang CIIE, inilabas, sa kauna-unahang pagkakataon ang 442 representatibong makabagong produkto, teknolohiya at serbisyo.

 

Noong nagdaang limang CIIE, halos 2,000 makabagong produkto, teknolohiya at serbisyo ang humarap sa publiko.

 

Bilang unang pambansang eksibisyon na nagtatampok sa pag-aangkat sa daigdig, ang CIIE ay nagsilbing de-kalidad na plataporma para sa magkasamang paggagalugad ng Tsina at iba’t ibang bansa ng bagong potensyal ng paglago.

 

Ang CIIE ay hindi lamang plataporma para sa kalakalan ng mga paninda, kundi matabang lupa rin para sa inobasyon ng buong mundo.

 

Kasabay ng pagpasok ng de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road sa ika-2 dekada, inaasahang mamumuhunan sa Tsina ang mas maraming kompanyang pandaigdig, sa pamamagitan ng CIIE.

 

Tiyak na makikinabang sila sa walang hanggang pagkakataong dulot ng modernisasyong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil