Ibayo pang pagpapasulong sa bilateral na ugnayan, sinang-ayunan ng Tsina at Malaysia

2023-11-10 15:45:48  CMG
Share with:

Kuala Lumpur, Malaysia - Sa pagtatagpo Huwebes, Nobyembre 9, 2023 nila ni Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah, Kataas-taasang Lider ng Malaysia, inihayag ni Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina, ang kahandaan ng bansa na ibayo pang pasulungin ang bilateral na relasyon, sa okasyon ng pagdiriwang ng dalawang bansa ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang relasyong diplomatiko sa susunod na taon.

 

Saad ni Han, sa ilalim ng patnubay ng magkasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Malaysia, nakahanda ang Tsina, kasama ng Malaysia, na pag-ibayuhin ang de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, magkasamang pasulungin ang pagpapatupad ng sarili nilang plano sa pambansang pag-unlad, at walang humpay na pasaganahin ang nilalaman ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Batay sa ideyang “magkasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahagi,” sa mula’t mula pa’y pinapalalim ng Tsina ang kooperasyon sa mga kapitbansa, at nakahandang palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang sustenableng kasaganaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon, dagdag ni Han.

 


Inihayag naman ni Sultan Abdullah ang kahandaang ibayo pang pataasin ang lebel ng bilateral na kooperasyon, upang ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil