Ika-20 World Congress of Chinese Medicine, binuksan sa Manila

2023-11-15 16:09:37  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Kalusugan para sa lahat: integrasyon ng tradisyonal na medisina sa unibersal na pangangalaga ng kalusugan,” binuksan Martes, Nobyembre 14, 2023 sa Manila, ang Ika-20 World Congress of Chinese Medicine.

 


Tinatalakay sa nasabing 2-araw na komperensya ang mga paksang gaya ng pagpapamana at inobasyon ng Traditional Chinese Medicine (TCM), paghahalo ng TCM at kanluraning medisina, at iba pa.

 


Ayon kay Zheng Qiming, Tagapangulo ng Philippine TCM and Acupuncture Association Inc., palalakasin ng kasalukuyang komperensya ang pagpapalitang akademiko at pagbabahagi ng mga karanasan, pasusulungin ang siyentipikong pananaliksik sa TCM, at patataasin ang katayuan ng TCM sa pandaigdigang medisina.

 


Umaasa naman si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na patuloy na susulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas sa larangan ng medisina at kalusugan, lalakas ang mutuwal na pagkatuto sa pagitan ng TCM at tradisyonal na medisina ng Pilipinas, maisusulong ang biyayang pangkalusugan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at mabubuo ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio