Pangulong Xi: Nagkakaisa tungo sa komong kasaganaan ng Asya-Pasipiko

2023-11-18 04:39:46  CMG
Share with:

Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na manatiling matapat sa misyon ng pagtatatag ng APEC at magkabit-bisig para sama-samang tugunan ang mga hamong pandaigdig.

Ito ang winika ni Xi sa kanyang talumpati sa Ika-30 APEC Economic Leaders' Retreat, Biyernes, Nobyembre 17, 2023, local time, sa San Francisco, Estados Unidos.


Hiniling din niya sa mga kasapi ng APEC na komprehensibong tupdin ang Putrajaya Vision, itatag ang komunidad ng Asya-Pasipiko na nagtatampok sa pagbubukas, kasiglahan, resilience at kapayapaan, at isakatuparan ang komong kasaganaan ng mga mamamayan at mga susunod na henerasyon ng Asya-Pasipiko.

 

 

Salin/Patnugot: Jade