CMG Komentaryo: Tsina, bakit naging “dapat pilihin” ng sirkulo ng komersyo ng daigdig?

2023-11-21 16:52:18  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na “tulad ng sinabi ng mga kaibigan ng sirkulo ng komersyo, ang Tsina ay naging pinakamagandang destinasyon ng pamumuhunan, at ang “susunod na Tsina” ay Tsina pa rin.

 

Bakit naging dapat pilihin ng sirkulo ng komersyo sa buong mundo ang Tsina?

 


Sa panahon ng kanyang pagdalo sa mga pulong ng APEC, ipinagdiinan ni Pangulong Xi na kahit anu-anong pagbabago ang nangyayari sa daigdig, hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagbuo ng isang marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo, at hindi rin magbabago ang patakaran ng Tsina sa pagkakaloob ng pantay-pantay at de-kalidad na serbisyo sa mga banyagang mamumuhunan.

 

Bilang pinakamalaking makina para sa paglago ng daigdig, aabot sa 1/3 ang contribution rate ng Tsina para sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon.

 

Samantala, ang merkado ay isa pang katangi-tanging bentahe ng Tsina. Kasing tatag at de-kalidad ng mga maunlad na merkado ang merkadong Tsino, at mayroon din itong potensyal ng mabilis na paglago ng isang bagong-sibol na merkado.

 

Bukod pa riyan, ang mga “di-magbabago” na ipinagdiinan ni Xi ay nagbubusod ng katiyakan at katatagan sa pabagu-bagong kalagayang pandaigdig.

 

Tulad ng pananaw ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, ang isang malakas at mapagkaibigang Tsina ay magdudulot ng positibong impluwensiya sa rehiyon at daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil