Xi: Inobasyon at pagbubukas, kailangang igiit ng APEC

2023-11-18 05:34:35  CMG
Share with:

Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na manangan sa inobasyon, pagbubukas, berdeng pag-unlad, pagiging inklusibo at mutuwal na benepisyo para mapasigla ang kaunlaran ng rehiyon.

Ang panawagan ay ginawa ni Xi sa kanyang talumpati sa Ika-30 APEC Economic Leaders' Retreat, Biyernes, Nobyembre 17, 2023, local time, sa San Francisco, Estados Unidos.

Ani Xi, nananangan ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at ang pundamental na layunin ng kaunlaran ng bansa ay mapaligaya ang mga mamamayan.

Dagdag pa ni Xi, ang taong 2023 ay ika-45 anibersaryo ng reporma’t pagbubukas ng Tsina.

Ipinagdiinan niyang isinusulong ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad at pagbubukas. Umaasa aniya ang bansa na ang modernisasyon ng Tsina ay makakatulong sa modernisasyon ng iba pang mga bansa ng daigdig.

Nakikiisa ani Xi ang Tsina sa mga miyembro ng APEC para matamo ang mas maraming bunga ng kooperasyong panrehiyon at magkaroon ng 30 pang ginintuang taon ng pagtutulungang Asya-Pasipiko.

Ang taong 2023 ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng APEC.  


Salin/Patnugot: Jade