CMG Komentaryo: Katalinuhan ni Henry Kissinger, pinakamahal na pamana para sa Amerika

2023-12-01 08:04:49  CMG
Share with:

Pumanaw, Nobyembre 29, 2023 si Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, sa edad 100 anyos.

 

Bilang pinakakilalang diplomatang Amerikano pagkatapos ng World War II, ginawa niya ang namumukod na ambag para sa pagpapasulong sa ugnayang diplomatiko ng Tsina at Amerika, medyasyon ng kalagayan ng Gitnang Silangan, at iba pang aspekto.

 

Walang duda, ang pagpapasulong sa pagbasag sa yelo ng relasyong Sino-Amerikano ay pinaka-kapansin-pansing tagumpay sa karerang diplomatiko ni Kissinger.

 


Matatandaang lihim na dumalaw sa Tsina, Hulyo 1971 si Kissinger, at nakapagpasulong siya, kasama ng panig Tsino, sa pagdalaw ni dating Pangulong Richard Nixon ng Amerika sa Tsina noong 1972.

 

Sa kanyang buong buhay, mahigit 100 beses na dumalaw sa Tsina si Kissinger, at tinawag siyang “matagal na kaibigan” ng mga mamamayang Tsino.

 

Nitong nagdaang Hulyo, nakipagtagpo sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay 100 taong gulang na Kissinger.

 

Hinangaan ni Xi ang importanteng ambag ni Kissinger sa pagsali sa proseso ng normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano sa masusing turning point.

 

Sinaksihan ni Dr. Kissinger ang mahahalaga’t malalaking pagbabago ng kayariang pandaigdig. May malalimang pag-uunawa siya sa pambansang kapakanan ng Amerika at relasyong pandaigdig, at sa magkaibang panahong historikal, nagpunyagi siya para sa diplomasya ng Amerika, bagay na nakatulong sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

 

Ang kasalukuyang mundo ay nasa gitna ng isang malaking pagbabagong hindi pa nararanasan sa loob ng isang daang taon, at lumitaw ang tunguhin ng matatag na pagbuti ng relasyong Sino-Amerikano, isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig.

 

Ang pinakamahal na pamanang iniwan ni Dr. Kissinger ay kahit may pagkakaiba ang Tsina’t Amerika, maaaring panaigan ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng matalinong estratehiyang diplomatiko, para itatag ang bilateral na ugnayan batay sa mutuwal na kapakinabangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil