Operasyong panlupa sa katimugan ng Gaza Strip, sinimulan ng Israel

2023-12-04 15:13:03  CMG
Share with:

Sinabi, Disyembre 3, 2023 ni Herzi Halevi, Puno ng General Staff ng Israel Defense Forces (IDF), na simula Disyembre 2, isinasagawa ng tropang Israeli ang operasyong panlupa sa katimugan ng Gaza Strip.

 

Kasabay nito, patuloy aniyang igagarantiya ng IDF ang mga natamong bunga sa kahilagaan ng nasabing lugar.

 

Inihayag naman nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng IDF na pinapalawak ang operasyong panlupa sa “lahat ng rehiyon ng Gaza Strip.”

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio