Inihayag kamakailan ng pamahalaan ng Pilipinas na sa kasalukuyan, nagtitipun-tipon sa paligid ng Niu’e Jiao ang mahigit 130 bapor-pangisda ng Tsina, at ikinababalisa ng panig Pilipino ang kondisyong ito.
Kaugnay nito, sinabi Lunes, Disyembre 4, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Niu’e Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina, at ang kaukulang rehiyong pandagat ng South China Sea na kinabibilangan ng Niu’e Jiao ay palagiang importanteng pook-pangisda at kanlungan sa hangin ng mga bapor-pangisda ng Tsina.
Makatwiran at legal ang pangingisda at pagkanlong sa hangin ng mga bapor-pangisda ng Tsina sa rehiyong ito, at walang posisyon ang Pilipinas na magsalita ng kung anu-ano hinggil dito, dagdag ni Wang.
Salin: Vera
Pulido: Ramil