Pagkabahala ng Moody sa prospek ng paglago ng Tsina, di-makatwiran – opisyal

2023-12-06 15:59:37  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpapababa ng Moody’s Rating ng government credit rating outlook ng Tsina sa “negatibo” mula “matatag,” inihayag Disyembre 5, 2023 ng kaukulang opisyal ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina ang pagkalungkot ng panig Tsino dito.

 

Isinalaysay ng nasabing opisyal na pagpasok ng kasalukuyang taon, tuluy-tuloy na napapanumbalik at bumubuti ang makro-ekonomiya ng Tsina, at matatag na sumusulong ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Aniya, tinayang mapapanatili ng kabuhayang Tsino ang tunguhin ng pagbangon at pagganda sa ika-4 na kuwarter, at ang Tsina ay mananatili pa ring mahalagang makina ng matatag na paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ayon sa pagtaya ng International Monetary Fund (IMF), lampas sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito, dagdag niya.

 

Saad ng opisyal na Tsino, kasabay ng pagpapanumbalik at pagbuti ng kabuhayan, napapanumbalik din ang kita ng pamahalaan.

 

Aniya, may napakalaking kakayahang bumangon at potensyal ang kabuhayang Tsino, hindi nagbabago ang long-term sound fundamentals, at magsisilbi itong mahalagang makina ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa hinaharap.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil