Premyer Tsino, dadalo sa ika-4 na pulong ng mga lider ng Lancang-Mekong Cooperation

2023-12-22 16:07:48  CMG
Share with:

Inanunsyo Biyernes, Disyembre 22, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na gaganapin, Disyembre 25, ang ika-4 na pulong ng mga lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), sa pamamagitan ng video link.

 

Dadalo rito si Premyer Li Qiang ng Tsina, kasama ang mga lider ng 5 bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong na kinabibilangan ng Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil