Nasa 70 katao, patay sa airstrike ng Israel sa refugee camp sa may gitnang Gaza

2023-12-25 16:16:14  CMG
Share with:

Ini-ulat, Disyembre 24, 2023 ng Palestine TV na nasa 70 Palestino ang nasawi sa airstrike na inilunsad ng tropang Israeli sa al-Maghazi refugee camp sa gitnang Gaza.

 

Anito, karamihan sa mga patay ay babae at bata, at posibleng patuloy na tataas pa ang bilang ng mga kasuwalti.

 

Samantala, hindi pa nagko-komento ang panig Israeli tungkol sa nasabing pagsalakay.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio