Malawakang paghahatid ng makataong saklolo sa Gaza, hiniling ng UNSC

2023-12-25 15:57:33  CMG
Share with:

Pinagtibay, Disyembre 22, 2023 ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyong humihiling sa lahat ng panig may kinalaman sa sagupaan ng Israel at Hamas na pahintulutan ang ligtas at walang sagabal na paghahatid ng makataong saklolo sa Gaza.

 

Labintatlong (13) kasapi ng UNSC ang bumoto ng pabor sa nasabing resolusyon, samantalang nag-abstina naman ang Rusya at Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio