Kaugnay ng pagsasabatas, Disyembre 22, 2023 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa National Defense Authorization Act for Fiscal Year 2024 na may negatibong nilalaman hinggil sa Tsina, inihayag, Disyembre 26, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol ng panig Tsino.
Iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Tsino, dagdag niya.
Saad ni Mao, nakikialam ang nasabing batas sa mga suliraning panloob ng Tsina, nagpapayo sa suportang militar ng Amerika sa Taiwan, at lumalabag sa prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika.
Bukod dito, ini-imbento ng nasabing batas ang umano’y “banta ng Tsina,” sinisikil ang mga kompanyang Tsino, hinahadlangan ang normal na pagpapalitang pangkabuhayan, pangkalakalan at tao-sa-tao ng dalawang bansa, at hindi ito umaangkop sa kapakanan ng alinmang panig, aniya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Ang pagtatayo ng pabrika sa Amerika, mahirap talaga
Tsina, hinimok ang Amerika na mag-ingat sa mga isyu ng Taiwan at South China Sea
Endorso ng Amerika sa aksyon ng Pilipinas sa Huangyan Dao at Ren’ai Jiao, kinondena ng panig Tsino
Impeachment kay Pangulong Joe Biden, aprubado ng Mababang Kapulungan ng Amerika