Endorso ng Amerika sa aksyon ng Pilipinas sa Huangyan Dao at Ren’ai Jiao, kinondena ng panig Tsino

2023-12-14 16:29:21  CMG
Share with:


Kaugnay ng walang batayang pagbatikos ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa pangangalaga sa karapatan at pagpapatupad ng batas ng Tsina sa Huangyan Dao at Ren’ai Jiao, inihayag, Disyembre 13, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng bansa, na may di-mapabubulaanang soberanya ang panig Tsino sa Huangyan Dao at Ren’ai Jiao at dagat na nakapaligid sa mga ito.

 

Aniya, propesyonal, mapagtimpi, makatuwiran at lehitimo ang mga hakbangin ng China Coast Guard tungo sa mga bapor ng Pilipinas na walang pahintulot na pumasok sa mga rehiyong pandagat sa paligid ng Huangyan Dao at Ren’ai Jiao.

 

Sinabi pa ni Mao, ilegal at walang bisa ang umano’y arbitral award hinggil sa South China Sea (SCS).

 

Walang kabuluhan ang anumang pagbabanta, pagpipilit at walang batayang pagbatikos ng panig Amerikano, at hinding-hindi nito mahahadlangan ang matibay na determinasyon at mithiin ng Tsina sa pagtatanggol ng sariling teritoryo, soberanya, at karapata’t kapakanang pandagat, saad pa niya.

 

Patuloy at matatag aniyang ipagtatanggol ng Tsina ang lehitimong soberanya, karapatan at kapakanan nito, batay sa mga demestiko’t pandaigdigang batas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio