Magkakasanib na pahayag ng US-Japan-ROK Indo-Pacific Dialogue, pinabulaanan ng Ministring Panlabas ng Tsina

2024-01-09 12:20:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng maling nilalaman hinggil sa Tsina sa Magkakasanib na Pahayag ng Trilateral US-Japan-ROK Indo-Pacific Dialogue, inihayag Lunes, Enero 8, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing pagkabahala rito ng panig Tsino.

 

Hinimok niya ang kaukulang panig na itakwil ang kaisipan ng Cold War, itigil ang paglikha ng komprontasyon at pagpapasidhi ng maigting na kalagayang panrehiyon.

 

Saad ni Mao, sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan ng South China Sea (SCS).

 


Sa mula’t mula pa’y buong tatag na ipinagtatanggol aniya ng Tsina ang sariling teritoryo, soberanya at karapata’t kapakanang pandagat, samantalang nagpupunyagi para maayos na hawakan ang mga alitan sa kaukulang bansa, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.

 

Ang pagpapasikat ng iilang bansa sa labas ng rehiyon ng sariling dahas, at pagpukaw ng komprontasyon ay di-makakatulong sa kapayapaan at katatagan ng SCS.

 

Diin ni Mao, ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina, ang isyu ng Taiwan ay purong suliraning panloob ng Tsina, at hindi pinahihintulutan ang pakikialam dito ng anumang puwersang panlabas.

 

Ang susi ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait ay nakasalalay sa paggigiit sa simulaing isang-Tsina, at buong tatag na pagtutol sa mapangwatak na aksyon ng puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan,” ani Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil